Gadon to Chief Justice Sereno: “Magkaroon ka naman ng Delicadeza”
Hindi nakapagpigil si Atty. Larry Gadon na banatan at ratratan si Chief Justice Maria Lourdes Sereno dahil sa palaban na pahayag ng Chief Justice na hinding hindi ito magre-resign sa kabila ng panawagan ng mga empleyado ng Supreme Court na magbitiw na si Sereno sa kanyang puwesto.
Ayon kay Gadon, dapat ay magkaroon naman daw ng delicadeza ang Punong Mahistrado. Hinalimbawa pa niya ito na parang isang pamilya kung saan pinapalayas na raw si Sereno bilang pinuno sa isang tahanan pero matigas parin ang chief justice. Pabiro pa ni Gadon na baka dumating ang panahon na batuhin na si Sereno ng kamatis at sana raw huwag mangyari ito.
“Magkaroon ka naman ng delicadeza, kahihiyan at dignidad sa sarili mo. Ikaw ang pinuno ng bahay, pinapalayas ka. Papasok ka paba sa opisina mo na alam na alam mong lahat ng tao roon isinusuka ka? Baka dumating sa punto na batuhin na siya ng kamatis, hindi naman maganda yun.”Dagdag pa ni Gadon, na dapat ay mag-resign nalang umano ang Punong Mahistrado para daw makapagpahinga na ito at matapos na ang lahat.
“Kaya kung ako sa kanya, mag-resign nalang siya para matapos na rin lahat. Upang makapagpahinga siya dahil I’m sure she’s also really bothered by this case.”
Gadon to Chief Justice Sereno: “Magkaroon ka naman ng Delicadeza”
Reviewed by Unknown
on
March 12, 2018
Rating:
Post a Comment