Dahil kay Pangulong Duterte, China tinalo ng Pinas






The Philippines economy grew at an annual 6.9% in the September quarter of 2017, the strongest growth since the third quarter 2016. That’s slightly above China’s third quarter annual growth, which grew 6.8% in the third quarter of 2017… While growing faster, the Philippines economy has also been getting better. The trade deficit narrowed to USD 1.91 billion in September of 2017 from USD 2.02 billion in the same month a year earlier. Non-performing loans dropped down to 1.8% as business access to bank lending improved. And the debt-to-GDP ratio edged lower, while that ratio, for other Asian countries including China, soared.” (forbes.com)
Dagdag pa ni Panos Mourdoukoutas na contributor ng Forbes ay maraming mga bagay ang nakatulong upang lumago ang ekonomiya ng bansa, kabilang na ang stable macroeconomic environment, tax reforms, market liberalization, brisk infrastructure spending at revival in the global economy.
Isa itong magandang balita para sa bansa at sa mga mamamayang Pilipino ngunit nakapagtataka na tila napakarami pa ring mga Pilipino ang hindi kontento sa pamamalakad ni Pangulong Duterte. Ngunit, hindi naman natin maikakaila na ang mga Pilipino na yata ang pinaka-discontented na lahi sa buong mundo.
Kahit na sinong presidente ang maupo, marami ng reklamo ang mga Pilipino. Hindi man lamang bigyan ng pagkakataon ang mga leader na patunayan ang kanilang kakayahan na mamalakad ng bansa. Kaya, naman hindi na nakapagtataka kung marami ring reklamo ang mga Pilipino sa uri ng pamamahala ni Pangulong Duterte. Ngunit, dahil na rin sa diumano ay pagiging matapang ng Pangulo at dahil kakaiba ang kanyang uri ng pamamahala’t pagdidisiplina ay lalong marami ang nanggagalaiti sa kanya, maging ang mga mapera at makapangyarihan nga’y hindi niya kinatatakutang banggain.
Mahirap rin sa mga Pinoy ay ang katotohanang hindi nila makita ang kagandahan ng mga ginagawa ng Pangulo sa isang mas malawak na perspektibo o bigger picture.
Gaya na lamang ng extra-judicial killings o EJK at maging ang war on drugs ng Pangulo na maya’t mayang binabatikos ng mga Human Rights Group sa loob at labas ng bansa. Nakapagtataka lamang na lahat na lamang na gawin ng Pangulo ay hinahanapan nila ng masamang kahulugan o implikasyon. Na para bang walang magandang ginawa si Pangulong Duterte.
Gayunpaman, marami pa rin namang mga Pilipino ang naniniwala, nagtitiwala at nagmamahal sa Pangulo.
“Human rights issue is normal when you want to clean the Philippines. Remember Singapore, international community hates Lee Kuan Yew but the Singaporean loves him. When Singapore is a new country, looters, thieves and criminals were shot to kill when found doing such things on site. The birth of a country or a change is painful. Support is needed to attain such a change. Basta wag lang tayong bibitaw until we achieved such change! Focus on the goal—to clean the Philippines and live a comfortable life! Every citizen should contribute to that change—by paying taxes correctly, obey the country’s law, etc.” Ito ang saad ng isang netizen na totoo namang may katuturan.
Sana lamang ay maunawaan ng mga Pilipino ang prosesong dapat pagdaanan ng bansa hindi lamang para malinis ito mula sa mga gahaman at mga mala-ahas at buwitreng opisyal ang tangi lamang gusto ay magpayaman at kawawain ang Sambayanang Pilipino.
Nawa’y maging isang malakas na awakening call ang sinasabi ng artikulo ng Forbes hinggil sa tuloy-tuloy na paglago ng ekonomiya ng Pilipinas.
Dahil kay Pangulong Duterte, China tinalo ng Pinas Dahil kay Pangulong Duterte, China tinalo ng Pinas Reviewed by Unknown on March 05, 2018 Rating: 5

No comments