Kasambahay na mala-dyosang bakla, tinangay ang P3-M halaga ng alahas

Kasambahay na mala-dyosang bakla tinangay ang P3-M halaga ng alahas
VIRAL: Pinaghahanap na ngayon at may inihandang 150K cash reward sa direktang makakahuli o makapagturo sa isang mala-dyosang bakla na kasambahay, matapos tangayin ang humigit kumulang P3-M halaga ng mga alahas ng kanyang amo. Samantala, ang suspek ay nakapag-status pa sa kanyang Facebook account na parang walang nangyari.
WANTED:


Niño Mullon Maraveles o mas kilala bilang “Niña” (Bakla po sya).
Kasambahay sya sa isang bahay sa Barangay Pias, Nueva Ecija ng nag-iisang matandang babae, yung biyenan ko.
BACK STORY:
Ayon sa kwento ng biyenan ko, kagabi daw, umalis siya para bumisita sa kakilala nya. Ang naiwan lang sa bahay ay si “Niña”. Napasarap daw ang kwentuhan kaya ginabi nang umuwi ang biyenan ko. Nagulat na lang daw sya pag uwi nya eh yung nakasarang pinto ng kwarto nya, sira na at wala na rin etong si “Niña.” Kasamang nawala ni Niña ang mga alahas ng biyenan ko, na ayon sa kanya ay nakakahalaga ng humigit kumulang tatlong million (Php 3 million).
Mayroon na pong Php 100,000.xx CASH REWARD na ino-offer ang biyenan ko para sa direktang MAKAKAHULI sa baklang magnanakaw na ito, P50k Cash Reward for anyone with valid information leading to the arrest of Nino Maraveles a.k.a. Nina. Mangyari po lamang na kontakin ako dito sa facebook ng makakahuli o ng sinoman na may valid info. Salamat po.”


Ayon sa mga kapitbahay, pag-alis na pag-alis daw ng biyenan ko, nag si-datingan ang mga binatilyong galing sa iba’t-ibang lugar (Cabanatuan at General Tinio) at nag inuman daw ang mga ito. Hindi pa namin matukoy kung kasabwat ang mga kainuman sa nakawan sa bahay ng biyenan ko.
Ang hinala namin, di pa ito nakakalayo ng Nueva Ecija, baka nagtatago lang ito sa mga kasama nya sa inuman. Kaya po please, kung sino man ang makakakita sa magnanakaw na ito, pakireport nyo nalang po sa barangay o sa mga pulis na malapit sa inyo. Paki-share na din po ito para mas maging aware ang ibang tao sa lalaking ito!
Salamat at mag-ingat po tayong lahat.
UPDATE:

Kasambahay na mala-dyosang bakla, tinangay ang P3-M halaga ng alahas Kasambahay na mala-dyosang bakla, tinangay ang P3-M halaga ng alahas Reviewed by Unknown on February 18, 2018 Rating: 5

No comments