WATCH: POLICE DISCOVERED 745 KILOS OF COCAINE HIDDEN IN FRESH PINEAPPLES
Nasabat ng pulisya ng Portugal at Spain ang daan-daang kilo ng cocaine na isinisik sa mga sariwang pinya.
Arestado sa nasabing operasyon ang siyam na miyembro ng gang na siyang responsable umano sa pagpupuslit ng droga mula sa South America.
Ang pinya ay nakalagay sa mga kahon na nasa loob ng container. Nang balatan ang pinya, doon nakita ang cocaine na nakabalot sa plastic.
Umaabot sa 745 kilo ng cocaine ang nakumpiska sa naturang operasyon kung saan sinira din ng mga awtoridad ang laboratory kung saan hiniwa ng gang ang mga pinya at isiniksik ang droga.
“This organized international group had repeatedly brought large quantities of cocaine to the European continent,” ayon sa statement ng Portuguese investigators.
Ang matagumpay na joint operation ng dalawang bansa ay resulta ng masusi nilang imbestigasyon na sinimulan noon Abril 2017.
Nabatid na ang Iberian Peninsula ang pangunahing entry point ng cocaine at iba pang uri ng droga para ipamahagi sa buong Europa, galing sa Latin America o Africa.
WATCH: POLICE DISCOVERED 745 KILOS OF COCAINE HIDDEN IN FRESH PINEAPPLES
Reviewed by Unknown
on
January 22, 2018
Rating:
Post a Comment