May Bagong Nakawan sa Clark International Airport! Padlock ng Bagahe, Pinutol!




Noong nagdaang araw lamang ay pumutok ang balita tungkol sa mga nakawan sa paliparan hanggang umabot sa pag-terminate ng mga kompanyang sangkot ang kanilang mga empleyado. Isa na nga dito ang pagviral ng video post ng isang OFW kung saan nilimas ng mga empleyado ng Miascor ang kanyang mga pasalubong sana sa kanyang kapamilya.
Noong nakarating ang balitang ito kay pangulong Duterte ay agad niyang pinakansela ang kontrata ng MIASCOR, aviation service provider ng Clark International Airport.
Ngayon ay may panibagong nakawan naman ang nangyari sa nasabing paliparan. Ang masaklap pa dito ay pinutol talaga ang padlock at kinuha ang ilang kagamitan ng laman ng bagahe na ito.


Basahin ang post ng babaeng nagrereklamo:

“Nag arrive sina mommy at daddy sa Clark International Airport, di nila namalayan pagkakuha ng bagahe nila na biglang putol ang padlock ng bagahe nila dala ng sobrang excited kami makita. Nakita nalang nila pag-uwi namin sa bahay and nung i-check yung gamit nawawala yung shoes at used cellphone ng mommy ko. Anong nangyare CIAC? Di parin ba naagapan yung ganyang problema? Porke ba galing ibang bansa dapat sinasamantala?”






May Bagong Nakawan sa Clark International Airport! Padlock ng Bagahe, Pinutol! May Bagong Nakawan sa Clark International Airport! Padlock ng Bagahe, Pinutol! Reviewed by Unknown on January 24, 2018 Rating: 5

No comments