hindi na nakatiis na magbigay ng maanghang na payahag ang batikang komedyanang si Beverly Salviejo laban sa mga bumabatikos kay ASec. Mocha Uson dahil sa natanggap niyang award mula sa UST Alumni Association kamakailan.
Basahin ang kanyang buong pahayag:
MY THOUGHTS ON MOCHA USON’S AWARD FROM USTAA:
Ang daming bumabatikos, hindi ko mawari kung bakit.
Una, Ano ba yung award? Award of excellence ba? Ang intindi ko, recognition yun para sa UST alumni na nasa government service. Since hindi naman corrupt si mocha, so sakin, ok lang na i-recognize sya dahil kilala sya sa pagtatrabaho nya.
Ngayon kung ikaw ay HINDI alumni ng UST, wala kang karapatan na magkomento, bumatikos, pumuna sa UST. Dahil ang recognition na ibinibigay nila ay sa alumni lang ng UST. DEFINITELY WALA KANG PAKIALAM DUN.
Kung alumni ka naman ng UST, ano naman ang ipinag-aalburoto mo? Dahil kay Mocha ibinigay ang award at hindi sa iyo? Dahil mas may kwenta kang tao kesa kay Mocha? Dahil feeling mo mas may karapatan kang marecognize? Bakit? Nasa government service ka ba? Kung hindi, hindi ka qualified sa award, ok?
Sabi purveyor daw ng fake news si Mocha... noong Senate hearing, ano ba ang ibinato ni Bam Aquino sa kanya? Yung picture ng mga Hondurian soldiers na nilagyan ni Mocha ng caption na “please pray for our soldiers in marawi” e hindi naman Filipino soldiers yung nasa picture...Tanong: NEWS BA YUN? Magkaiba na ba tayo ng definition ng NEWS?!!!
At naman!!! Si Mocha lang ba ang may fake news? PATI MAINSTREAM MEDIA MAY FAKE NEWS! Ilang beses nang nahuli ang Inquirer at Rappler sa fake news!
Isang example: nung sinabi ni PRRD na ginagamit ng mga rebeldeng training ground ang ginawang schools para sa mga lumad...
Sabi nya, “ sabihin sa mga lumad umalis na sila dyan...bombahin ko pa yan!”
Ano ang headline? “Duterte says he will bomb Lumads”. Tang’na! Kulang sa comprehension di ba? Blatant na fake news yan dahil hindi yan ang sinabi ng presidente!
Sasabihin ninyo may sinabi kasing dapat nag-aadhere sa core values ng pagiging Thomasian. So...yang ginagawa ninyong pangmamaliit, pag-alipusta, pagmamataas...yan ang core values na gusto nyong i-uphold? Mga ka-USTE, BIGOTRY ANG TAWAG DYAN!
Sabi nyo, instrumento ng divisiveness si Mocha. Come again? Because she is a staunch supporter of PRRD at ayaw nyo kay PRRD kaya sya ang naghahasik ng divisiveness? Listen to yourselves! Kayo ang naghahasik ng divisiveness. PRRD won in a very democratic election NANG WALANG DAYA! Ang dapat nating gawing lahat ay tumulong sa nanalo para sumulong ang bansa natin. But as it is now, you attack PRRD by attacking his supporters! Yun yun! Obvious naman e.
Mocha is the modern day Magdalene. She may have started off as a sexy performer, but she rose from whatever that she had been doing before into what she is now at pinagsisikapan nyang maging marangal. Minsan siguro sumasablay...sino ba ang walang sablay sa atin?
Sa inyong nagmamarangal... kung sakaling kunin kayo ni Lord one of these days, nawa’y maipaliwanag ninyo sa Dios ang ginagawa nyo kay Mocha ngayon.
At sa iyo Mocha, wag kang ma-discourage. Ituloy mo ang iyong mahusay at marangal na pagsisilbi sa bayan sa abot ng iyong makakaya. Hindi lilipas ang mga pangyayaring ito nang walang katuturan.
Binibigyan ka ng Dios ng ganito kabigat na obstacles at challenges dahil merong nakalaan para sa iyo na napakalaki. Sa pagdating ng panahon na yun....sabi nga nila....luluhod ang mga tala!
Actress na Komedyante si Beverly Salviejo, sinupalpal ang mga bumabatikos sa AWARD ni Mocha Uson
Reviewed by Unknown
on
January 23, 2018
Rating: 5
Post a Comment